top of page

MAMULAT

Ang mga paskil na ito ay ang mga opinyon at pananaw mga  mga miyembro ng liwaywhy- not production. Itong mga paskil na itinatampok ay  tapat sa layunin ng grupo at  kinakatawan ang  hiraya na nais makamtan nito. Maging mulat sa pamamagitan ng mga paskil na ito  at makilahok sa mga events o hindi naman kaya'y isapuso ang mga mensahe ng bawat paskil tungkol sa ating wika, ang wikang Filipino.

Bigyang Halaga Muli!

Bigyang Halaga Muli!

Habang lumilipas ang panahon, unti-unti nang nawawala o humihina ang pagpapahalaga sa wikang Filipino, ngunit hindi pa huli ang lahat. Kung gusto natin ng pagbabago, magsimula tayo sa ating mga sarili. Bigyang halaga, mahalin at paunalrin natin ang ating wika! Tara, magtulungan tayo!

Mahalin ang Sariling Wika!

Mahalin ang Sariling Wika!

Huwag kakalimutang piliin ang sariling atin, piliin ang wikang Filipino sa pakikipag-usap o kommunika sa iba dahil ito ang isa sa pinakamatatag na nagbubuklod sa ating mga Filipino. Ipagmalaki ang sariling wika, ipagmalaki ang ating identidad, ipagmalaki ang ating pagiging Filipino!

Bukang-Liwayway

Bukang-Liwayway

I-Like ang aming Facebook Page na liwayway. Kung gusto ninyo maging konektado at updated sa mga post namin doon.

Pang Matalino Rin: Wikang Filipino

Pang Matalino Rin: Wikang Filipino

Ilusaw natin ang ideya na ang pagiging matalino at aral ay sa pamamaraan ng pagsasalita sa Ingles. Imbis palaganapin natin na ang pag-gamit ng sariling atin ay may kaukulan sa ating identidad bilang Pilipino! Makiusap sa wika ng kausap.

Varayti Ng Wika

Varayti Ng Wika

Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pag-unlad ng wikang Filipino. Habang tumatagal, dumadami na ang mga barayti ng wika sa Pilipinas. Matuto tayong tumanggap ng pagbabago at respetuhin ang mga barayti na ito dahil gaya ng iba pang mga wika ay may sarili rin itong kasaysayan at pagkakaiba na dapat bigyang pansin. Huwag isipin na ang wikang ginagamit natin ay superior kumpara sa iba. Tanggapin natin ang wika ng bawat isa para sa patuloy na pag-unlad ng wikang Filipino!

Makipag-usap Sa Wika ng Kausap

Makipag-usap Sa Wika ng Kausap

Kalimitang hindi natin ginagamit ang wika ng ating kausap sa dalawang rason. Una, hindi tayo hiyang sa wikang iyon at pangalawa, may pinapakita tayong pagkakaiba sa ating kausap. Makipag-usap tayo sa wika ng ating kausap upang mabura itong linyang ito na nagbibigay agwat sa dalawang taong magkausap.

Etmolohiya ng Salitang "Basta"

Etmolohiya ng Salitang "Basta"

Tunay na makabuluhan at maganda ang wikang Filipino kaya dapat walang humpay ang pagtuto natin sa mga salita nito.

LiwayWHY NOT FILIPINO

LiwayWHY NOT FILIPINO

Ang layunin ng Liwayway ay ang itaguyod ang paggamit at pagtangkilik ng wikang Filipino sa halip ng mga banyagang wika.

MGA Paskil

bottom of page