top of page

Pagtanggal ng Filipino, Pagtanggal ng Pagkapilipino


Noong 2014, kumalat ang balita tungkol sa pagnanais ng CHED na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Binigyang linaw naman ng CHED na hindi naming ganap na tatanggalin ang asignaturang Filipino, bagkus ay gagamitin na lamang ito sa grade 11 at 12, at ang paggamit nito ay sa mga simpleng Gawain lamang tulad ng mga report o presentation. Sang-ayon ako sa artikulo ng “Ang Pahayagang Plaridel” na hindi dapat itong gawin. Una sa lahat, ang “pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay magdudulot na kawalan ng trabaho ng halos 10 000 guro”. Ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugang hindi na ito magagamit sa mga akademikong diskurso lalo na sa mga malalalim na agham tulad ng social sciences, ekopnomiks at iba pa. Naaral naman ang mga pangunahing kaalaman sa Filipino mula elementary hanggang high school, ngunit sa kolehiyo naman nasasanay ang mga mag-aaral na gamitin ang Filipino sa tunay na aplikasyon nito tulad ng malalim na pag-uunawa sa mga akda, pagbabasa ng mga academic journals, paglalaban para sa kanilang tesis at iba pa. Alam din natin na maraming dayuhan ang nag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas. Kung may asignaturang Filipino sa kolehiyo ay mas mapapalaghanap natin sa ibang mga lahi at kultura ang kagandahan ng ating wika at kultura. Ang pag-iiral ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo ay may napakaraming magandang bunga at epekto sa kaunlaran ng ating wika. Ngunit, handa ang pamahalaan na isakripisyo ang lahat na ito para lamang mas makahabolo tayo sa globalisasyon ng mundo. Ang pamahalaan na dapat gumagabay sa atin kung paanong tunay na mahalin ang ating wika ay siya pang nagbibigay daan upang iwanan natin ito.

http://plaridel.ph/2014/06/19/pagtanggal-ng-asignaturang-filipino-sa-kolehiyo-filipino-department-umapila-sa-ched-2/


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Follow Us
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
bottom of page