Pagtanggal ng Filipino, Para sa Pilipino
Kaugnayan sa kumalat na balita tungkol sa pagpapatanggal ng CHED ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, marami ang tumanggi at sinabi na hindi ito ang dapat na gawin. Ngunit, tulad lamang ng bawat isyu sa lipunan, ay mga tao rin na sumang-ayon sa paksa na ito. Bilang mga kapwang Pilipino, dapat ay matuto pa rin tayong rumespeto sa opinion ng iba upang tuluyan tayong magkaintindihan pa at maging mas malapit sa isa’t-isa. May mga dahilan din naman sila sa pagsang-ayon dito at kung bubuksan natin ang ating isipan upang pakinggan ang kanilang paliwanag ay baka mas magkaroon tayo bng mas malinaw na pananaw sa isyu na ito. Ayon kay Dexter Garcia, “mas magiging globally competitive ang mga graduate ng kolehiyo”. Ayon naman kay Gabonillas ay “kung ito may maipapatupad, maaaring maiwaan na lamang a MG aklat ang wikang Filipino”. May punto rin naman ang kanilang argumento. Ang Filipino ay tinuturo na naman sa paaralan mula elementarya at high school, bukod ditto ay kadalasan din itong ginagamit sa tahanan kaya kung tutuusin ay sapat na naman ang kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino pagdating nila sa kolehiyo. Ang pagpapalit ng ibang asignatura sa asignaturang Filipino ay magdudulot ng mas globally competitive na mga graduates. Magiging napakalaking tulong ito sa Pilipinas na may kasulukuyang layunin na humabol sa pandaidigang globalisasyon. Ang pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo ay hindi naman ganoon kalaki ang epekto sa pag-iiral at paggamit ng wika sa bansa, bukod dito ay mas may [pagkakataon pa tayo humabol sa globalisasyon. Kung titingnan, ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay isa ring prakitikal na solusyon. Nasa atin na lamang kung may paninindigan tayong magtiyaga upang makamit ang mga kondisyon na ito upang ganap na makamit ang layunin na nakasaad.
http://www.academia.edu/32046723/Pagtatanggal_ng_Asignaturang_Filipino_sa_Kolehiyo_Epekto_sa_mga_Mag-aaral_ng_Bachelor_of_Secondary_Education_sa_Bulacan_State_University