top of page
Search

Filipino, Ang Wikang Halo Sa Ibang Wika

  • Alvin Lyndon Sy
  • Sep 25, 2017
  • 1 min read

Ang Filipino ay tunay ngang salamin ng iba’t ibang kultura rito sa Pilipinas, kaya nga naman ito’y “wika na hindi isa”. Sinasalamin nito ang pagiging multicultural ng ating bansa at kaya ito’y wikang binuo na bunga sa paghahalo-halo ng ibang wikang katutubo. Totoo ngang pinagkamalang Tagalog ang Filipino, ngunit ito’y mas diverse pa kaysa diyan. Batay sa artikulo mula sa www.rappler.com/thought-leaders/103304-filipino-language-not-one, sinasabi dito na “ang mga katutubong wika ay nagsisilbi na parang nanay upang mas makakilala ang Wikang Pambansa.” Totoo nga ito, at isa ito sa mga adhikain ng Liwayway, na dapat bigyang-importansya rin ang mga katutubong wika. Sinasabi rin sa artikulo na ang Tagalog ay pantay-pantay rin sa mga ibang katutubong wika katulad ng Cebuano at Hiligaynon dahil kung ipaghalo mo silang lahat ay Filipino ang magiging bunga nito. Ulit, muli kong bigyang-diin ang ideya na ang Filipino ay resulta ng paghihirap ng iba’t ibang sector o pangkat sa lipunan, at iyon ay isang magandang obra maestra na hindi makikita sa ibang banyagang wika.


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Follow Us
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon

© 2017 by Liwaywhy-not Productions. Pinagmamalaking gawa gamit ang Wix.com

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • White Instagram Icon
  • shape-vimeo-invert.png
bottom of page